Hello and Welcome!

This is about my observation to what's happening around us, the pop culture and how it affects people and their lifestyle.

Please feel free to interact. Thanks.

To post comments, please click on the Number/Digit found at the top right portion of each post.




11:28 AM | Posted in ,


Ang tea ay Chinese, while Coffee is American. European naman ang Wine, at sinasamba ng Pinoy ang Juice. Dati.

Pero ang lahat nang iyan ay pwedeng magbago, lalo na't niyayakap ng karamihan sa isang teritoryo ang ganung pagbabago. Minsan din, ang mismong produkto ang nagti-trigger sa mga mamamayan na iwanan ang nakaugalian at simulang gawin ang sa paningin nila'y mas kaaya-aya. Yan ang paningin ko. Bakit?

Sa pang araw-araw na takbo ng buhay ng mga Pinoy, maraming mga bagay na dahil sa hindi malaki ang role na ginagampanan, ay subconsciously hindi napapansin na kabilang din pala sa flow ng routine natin.

Sa isang typical na Pinoy, sa umaga lang iniinom ang mainit na kape o di kayay'y tsokolate, sa tanghali naman at meryinda ang Juice o softdrink/soda, at sa gabi kadalasan ay tubig lang. Nasa konsepto ng karamihan sa atin na kapag nagpalit-palit ang umaga at tanghali, magre-react kaagad at magiging subject of kantiyawan ang salarin na aabot pa ng maraming buwan bago tuluyang mawala and then maalalang muli. Dati yan.

Nang sumiklab ang kasikatan ng Starbucks sa Amerika, si Pinoy naman na kahit anong sikat ay pilit gagayahin at ipauso sa sariling bansa para lang kumita, ay naghikayat magbukas ng ganun dito. Franchising kumbaga.

The Country is then hit by storm. Nagkagulo ang syudad. Nagkaroon ng excitement sa business parks, tuwang-tuwa ang mga offices, shock at di makapaniwala naman ang mga foreigners (dahil kaya di nila akalaing darating din sa Pinas ang social na American brand?), nagka-frenzy sa call centers, at praning na praning naman ang high-schools at universities. Goodbye Juice, Hello America!

At doon na nagbago ang kasaysayan ng Pilipinas. Biglang nag iba ang panlasa ni Juan de la Cruz. Sobrang matamis daw ang Juice, nakaka alert daw sa office at school ang coffee. Di ba noon pa yan? Sa tingin nila sa Starbucks coffee lang nangyayari yan? Bakit di kaya nila naisip pausuhin uminom ng mainit na kape sa kalagitnaan ng galit na galit na afternoon sun noong bago pa man umusbong ang Starbucks?

Gusto ko lang habulin ang takbo ng isipan ng isang Pinoy gamit ang Pinoy kong utak. Sa panahon ngayon, kung kape man ang pag-uusapan, hindi nagiging paksa ang brewing at kung saan nagmula ang pinakaraming supply kundi money. Oo, pera. Dahil hindi ka makakainom sa coffee bar na iyon kung pang 1 pistel na juice lang ang bitbit mong pera. Kaya, doon eh patalbugan. Pasikatan. Hindi sa hanay ng mga office workers at managers, execs, at agents, kundi sa pulutong ng mga high-school at college students. Doon nagyayari ang giyera.

Noon, mapapansin mo sa corridors sa loob ng school campus ang iba't-ibang uri ng estudyanteng nabanggit at kina-categorize ni Bob Ong sa berde niyang aklat. Pero ngayon, kasabay ng pag envade ng Starbucks, isang grupo ang bihira mo nang makikita sa hallway tuwing vacant periods, na animo'y na abduct ng brown at black aliens.



Conversation sa isang shop:

Table 1. CEO at Consultant.

CONSULTANT: (to CEO) We need to re-evaluate the merger.

Table 2. Dalawang Agents.

Agent1: No effect ang recession sa America sa company natin, kaya tuloy operation.

Table 3. Dalawang kikay kolehiyala.

Kikay1: Hoy, may bago ka bang ringtone? Forward mo naman.



At may magandang offer din ang establishment na ito sa mga nag patronize sa kanila. Meron itong WI FI para sa mga on-the-go or mobile na mga customer. At lately, para na rin sa mga nag o-order ng pinakamura sa hanay ng menu at gustong tumambay ng limang oras na uubusin sa chatting at Youtube, kulang na lang singilin sila ng management para sa monthly electricity bill dahil ara-araw nagtatambay doon. Ginawang living room ang coffee shop. Naks, anlupit!

Akalain mo bang ngumuwa pa sa bahay at nagtatadyak sa sahig mapansin lang ng mga magulang at mabilhan ng laptop para lang makapagtambay sa coffee shop? Tsk. Tsk. Again, wrong interpretation na na-proseso ng isipan ng mga Pinoy. At mali din ang naging execution.

At sabay hihirit: So what? Pera ko naman ginastos ko noh!

Oo nga naman.



Ang tea ay American, Chinese naman ang wine, European ang Juice, at Pinoy ang coffee. Ay, mali. Ang tea ay European.....




Photography by Javaturtle. Please visit the owner's Flickr page at: http://www.flickr.com/photos/javaturtle/133316103/
Category: ,
��

Comments

0 responses to "StarBucked!"